#WalangPasok: Nobyembre 20, Martes

ABS-CBN News

Posted at Nov 16 2018 07:53 PM | Updated as of Nov 19 2018 04:53 PM

MAYNILA - Nagdeklara ng walang pasok si Manila City Mayor Joseph Estrada sa Martes, Nobyembre 20, 2018 bilang paghahanda sa pagbisita ng presidente ng China na si Xi Jinping sa bansa.

Suspendido rin ang pasok sa mga opisina ng gobyerno sa buong lungsod.

Ayon sa Executive Order No. 41 na pinirmahan ni Estrada ngayong Biyernes, nagsuspinde siya ng klase sa mga paaralan at pasok sa mga opisina ng gobyerno para masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng mga estudyante at manggagawa habang pinaghahandaan ng lungsod ang pagdalaw ni Xi.

Inaasahang dadalaw si Xi sa Malacañang at sa Rizal Monument sa Luneta Park sa kaniyang pagbisita sa bansa sa darating na ika-20 hanggang 21 ng Nobyembre.