Pimentel sinita ang PGH sa umano'y pagtanggi sa asawang manganganak | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pimentel sinita ang PGH sa umano'y pagtanggi sa asawang manganganak

Pimentel sinita ang PGH sa umano'y pagtanggi sa asawang manganganak

Robert Mano,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA—Sinita ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang Philippine General Hospital ukol sa isang insidente ng ospital ng pagtatanggi ng pasyente.

Sa plenary deliberations ng Senado sa panukalang 2023 budget ng Philippine General Hospital nito, inungkat ni Pimentel ang hindi magandang karanasan sa director ng ospital na si Dr. Gerardo Legaspi.

Ayon kay Pimentel, huling linggo ng Marso 2020 kung kailan nag-umpisa ang COVID-19, pinaasa siya ni Legaspi na maaari niyang dalhin sa PGH ang kaniyang asawa para manganganak doon at gusto nilang ilipat mula sa isang pribadong ospital sa Makati kung saan nagkaroon sila noon ng isyu.

Nakapalitan umano niya ng text messages si Legaspi pero bigla na lang hindi sumagot sa kaniyang text at Viber messages, hindi dumating ang inasahan nilang ambulansya kaya tanong ni Pimentel kung ibig sabihin ay willing ang doktor na mamatay ang kaniyang asawa at anak.

ADVERTISEMENT

"Hanggang ngayon I have not received the response from March 2020 Viber or text message no response. Kung kaya nila gawin sa senador 'yan, paano kung hindi senador?"

Sabi ni Pimentel, mabuti na lamang hindi namatay ang kanyang misis at ang kanilang anak, at ikinuwento na tinanggap at nakapanganak ang asawa sa Chinese General Hospital sa tulong ng Filipino-Chinese community at ibinida rin na naging bukas noon ang Quirino Memorial Medical Center na paanakin ang kaniyang asawa.

Inungkat din nya ang nabalitaan niya noon na may manganganak sana pero namatay dahil tinanggihan umano ng ospital dahil sa pangamba umano noon sa COVID-19.

Sa pamamagitan ni Sen. Pia Cayetano na siyang nagdedepensa ng panukalang budget ng PGH, sinabi ni Legaspi na wala siyang nalalaman na namatay na pasyente dahil tinanggihan ng PGH at sa kaniya ring natatandaan, sinagot nya ang mga mensahe ni Pimentel at maaring natigil ang kanilang sagutan noon dahil maaaring may nakontak na ob-gyne.

Wala rin aniyang intensyon ang PGH na ipahamak ang kaniyang asawa at anak.

Ayon kay Cayetano, maaari rin umanong natabunan noon ng mabibilis na mga pangyayari kasama ang deklarasyon na COVID referral hospital ang PGH at tinanggihan muna ang hindi COVID patients.

Sabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri maaaring, magbigay si Legaspi ng written explanation para magpaliwanag dahil hindi aniya option ang ghosting sa ganung sitwasyon at dahil sila ay public servants.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.