TFC News

ICYM: Pinoy tsokolate bumida sa chocolate exposition sa Paris

Bong Agustinez | TFC News France

Posted at Nov 15 2022 08:49 PM

PARIS - Samu't saring mga tsokolate sa iba-ibang panig ng mundo ang tampok sa Salon du Chocolat Exposition sa Paris na dinumog ng mga tao mula nitong October 28, hanggang November 1, 2022.

Bumida sa expo ang Auro Chocolate mula sa Pilipinas. Naging tawag-pansin din ang iba-ibang disenyo ng tsokolate sa exposition tulad ng susi sa sasakyan, sapatos, at mga dekorasyon noong araw ng undas. Mayroon ding kalamansi chocolate na gawa din ng Auro Chocolate.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kabababayan sa France, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

PANOORIN: