TINGNAN: Saganang huli ng isdang tamban sa Sorsogon Bay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: Saganang huli ng isdang tamban sa Sorsogon Bay

Karren Canon,
ABS-CBN News
Published Nov 15, 2018 02:04 PM PHT
|
Updated Nov 16, 2018 01:42 AM PHT

MAGALLANES, Sorsogon – Labis na nagpapasalamat ngayon ang mga mangingisda dahil sa saganang huli ng isdang tamban o isdang ginagawang sardinas.

Puno ng banyera ng isdang tamban ang Magallanes Port kaninang umaga.

Ayon sa mga mangingisda, nakahilera lang sa Magallanes Port ang mga banyerang huling isda dahil hinihintay nila ang pagdating ng mga barko mula Zamboanga na kukuha at bibili ng mga ito.

Nais nilang mabili agad ang mga isda dahil hindi raw puwede itong matagal na nakababad lang sa yelo.

ADVERTISEMENT
Nasa P1,000 ang benta nila sa isang banyera na nasa 55 kilo pataas ang lamang isda.

Pasalamat silang sunud-sunod ang pagdating ng mga barko mula sa isang pagawaan ng sardinas.

Mula Sorsogon Bay ang mga nahuling isda na nasa season umano ngayon, ayon sa punong barangay ng Binisitahan Sur. Tuwing buwan ng Nobyembre hanggang Marso, sagana ang huli nila ng isdang tamban.