'Bilang ng mga may diabetes sa PH, posibleng umakyat sa 7.8 milyon sa 2030' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Bilang ng mga may diabetes sa PH, posibleng umakyat sa 7.8 milyon sa 2030'

ABS-CBN News
Published Nov 15, 2018 07:53 PM PHT

Pataas nang pataas ang bilang ng mga Pilipinong nagkakaroon ng diabetes, ayon sa Philippine Society of Endocrinology, Diabetes, and Metabolism (PSEDM).

Tinatayang nasa 3.3 milyong tao sa Pilipinas ang may diabetes noong 2014, ayon sa PSEDM. Hindi pa daw kasama rito ang halos 2 milyong Pinoy na hindi alam na diabetic na sila.

Ayon naman sa grupong Philippine College of Physicians (PCP) posible pang umakyat ang bilang na ito sa 7.8 milyon pagdating ng 2030.

"It is estimated that by 2030, the county will have about 7.8 million diabetics, ranking 9th in the list of countries with the highest number of diabetics," ayon sa datos ng PCP.

Bagama't namamana ang sakit na ito, inanyayahan ni Dr. Aurora Macabalug ng PSEDM ang publiko na kumain nang masustansiyang pagkain at mag-ehersisyo para maiwasan ang naturang karamdaman.

Paliwanag ni Macabalug, nakababawas kasi nang 58 porsiyento ang tsansang magkaroon ng diabetes kapag ang tao ay nagda-diet at nag-eehersisyo araw-araw.

"Ang diet, hindi po 'yung hindi kakain [ng pagkain], kung hindi 'yung tamang pagkain," paglilinaw niya.

Hindi rin sapat aniya ang tamang pagkain at exercise para sa mga diabetic bagkus ay kinakailangan pa rin nila ang regular na pag-inom ng gamot, pagturok ng insulin sa katawan, at pagkonsulta sa doktor.

-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT