3 arestado sa ilegal na pagbebenta ng baril | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 arestado sa ilegal na pagbebenta ng baril

3 arestado sa ilegal na pagbebenta ng baril

Marty Go,

ABS-CBN News

Clipboard

Nasamsam ng awtoridad sa entrapment operation ang mga baril at bala na ibinebenta umano ng isang grupo, kabilang na ang dalawang kagawad ng barangay sa Escalante City. Larawan mula sa Sagay City Police

ESCALANTE CITY, Negros Occidental – Tatlo katao ang inaresto ng awtoridad dahil sa umano’y ilegal na pagbebenta ng mga baril, Miyerkoles ng gabi.

Dalawa sa mga naaresto ay barangay kagawad ng Old Poblacion at isang barangay sa Sagay City.

Arestado rin ang isang 55-anyos na babae na itinuturo nilang broker sa pagbebenta ng peke na mga armas.

Nakuha sa tatlo ang isang KG-9 caliber 9mm rifle, TCM caliber .22 rifle, Armscor caliber .45 pistol, mga magazine, bala, holster at dalawang silencer.

ADVERTISEMENT

Ayon sa pulisya, peke ang mga armas at mula ang mga ito sa Cebu.

Matagal nang minamanmanan ng pulisya ang grupo na nagbebenta umano ng mga armas sa Escalante City.

Dagdag na pulisya, mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.