P3.4-milyong bonus ng mga empleyado ng Tinambac, Cam. Sur, tinangay | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

P3.4-milyong bonus ng mga empleyado ng Tinambac, Cam. Sur, tinangay

P3.4-milyong bonus ng mga empleyado ng Tinambac, Cam. Sur, tinangay

Kate Delovieres,

ABS-CBN News

Clipboard

TINAMBAC, CAMARINES SUR - Mahigit P3 milyong cash bonus ng lokal na pamahalaan dito ang tinangay umano ng isa sa mga empleyado nito.

Pinaghahanap pa rin ngayon ng Naga City Police si Melchor Abrazado, 50 taong gulang at residente ng Barangay Sogod dito sa bayan.

Siya ang itinuturong tumangay umano ng mahigit P3.4 milyong cash bonus sana ng mga empleyado ng munisipyo ng Tinambac.

Sa imbestigasyon ng pulisya, Martes ng umaga nang mag-withdraw sa Landbank Naga Branch ang municipal treasurer na si Maria Teresa Betito kasama ang kaniyang staff na si Dedinia Ortiz at si Abrazado, na isang administrative aide.

ADVERTISEMENT

Umabot umano ng 30 minuto ang transaksiyon nila sa bangko. Inilagay sa isang brown backpack ang P3,426,340.55 na halaga ng pera.

Dahil mabigat ang bag, ipinagkatiwala umano ni Betito kay Abrazado ang pagdadala nito.

Naunang lumabas sa bangko si Abrazado, ngunit makalipas lamang ang ilang segundo, hindi na siya nakita nina Betito at Ortiz.

Halos isang oras umano nilang sinubukang kontakin at hintayin sa labas ng bangko si Abrazado pero hindi ito bumalik.

Dito na sila nagdesisyon na ipaalam sa awtoridad ang pangyayari.

ADVERTISEMENT

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita si Abrazado, na hindi pa rin umuuwi sa kanilang bahay.

Aminado si Tinambac Mayor Ruel Tuy na matagal na nilang pinagkakatiwalaan si Abrazado kaya hindi nila lubos maisip na magagawa nitong tangayin ang pera na dapat sana ay cash bonus ng 115 permanent employees at 10 elected officials ng bayan.

Ayon naman sa asawa ni Abrazado, wala itong intensiyon na nakawin ang pera. Humihingi rin ito ng patas na imbestigasyon sa insidente.

Patuloy ang isinasagawang hot pursuit operation ngayon ng pulisya para mahanap si Abrazado.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.