Tingnan: Makulay na selebrasyon ng ika-75 taong anibersaryo ng PH-Austria diplomatic relations | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Tingnan: Makulay na selebrasyon ng ika-75 taong anibersaryo ng PH-Austria diplomatic relations

Tingnan: Makulay na selebrasyon ng ika-75 taong anibersaryo ng PH-Austria diplomatic relations

Hector Pascua | TFC News Austria

Clipboard

VIENNA – Sa gitna ng pandemya, maingat na ipinagdiwang ng mga Pilipino sa Austria ang ika-75 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng ugnayang diplomatiko ng Austria at Pilipinas kamakailan.

Isang makulay na festival parade at pagtatanghal ng iba’t ibang cultural dances ng mga rehiyon ng Pilipinas ang ginanap, nagsimula ang pagdiriwang sa sentro ng Vienna.

PH-Austria relations

“It is fantastic to see the community here. Several Tourists are coming together on this wonderful space and blessed with the wonderful sunny day. I wish that many more events, like this, will take place in the future,” saad ni Manuela Tropia, Professor of Anthropology sa University of Vienna.

Parada ng selebrasyon

Mahigit 15 Filipino organizations ang sumali sa selebrasyon na pinamunuan ng European Network of Filipino Diaspora - Austria. Suot ang kani-kanilang regional costumes, may partisipasyon ang iba't ibang grupo: May mga Igorot, mga Sinulog dancers ng Cebu, Panagbenga dancers ng Baguio, Ilocano dancers, Ati-atihan group ng Panay island, T’boli group at may Austrian delegation din na nagsuot ng kanilang national dress na kung tawagin ay Dirndl.

ADVERTISEMENT

Philippine national anthem

Hinangaan ang natatanging pagtugtog ng Lupang Hinirang ng Musikverein Leopoldau, isang Austrian brass band. Nagkaroon ng cultural presentation sa isang malawak na parke na malapit sa Vienna city hall kung saan nagtapos ang parada.

“On behalf of the Philippine Embassy in Vienna, it is my great pleasure to be with you to commemorate the 75th year anniversary of Philippine-Austrian relations. I thank all of you for your support of activities that promote solidarity within the Filipino Community of Austria. Big congratulations to all of you, to all of us for this wonderful display of Filipino-Austrian friendship. Mabuhay ang Republika ng Pilipinas! Mabuhay ang Republika ng Austria,” pahayag ni Deena Joy Amatong, Philippine Embassy Vienna Chargé d’Affaires.

Brass band

Bilib ang mga Austrian sa mga palabas ng mga Pinoy, proud rin ang ating mga kababayan sa kulturang naipakita natin.

“I must say that the Filipinos here are very well integrated. They do not make any problem. We have an excellent cooperation with them and they are doing a great job!”, sabi ni Hermann Kroiber, Secretary-General ng United Nations Correspondents Association in Vienna.

“Celebrating the 75th year of Philippine-Austrian bilateral relations. Mabuhay ang Austria, mabuhay ang Pilipinas!” sabi ni Marizel Rojas, President European Network of Filipino Diaspora in Austria.

“It is one of a kind, a very nice event in the history of Vienna” sabi naman ni Lurline Kormann ng Babaylan Austria.

Ang pagkakaibigan ng Austria at Pilipinas ay nagsimula pa noong 1871 sa pamamagitan ng pagbubukas ng Austro-Hungarian Honorary Consulate sa Pilipinas.

Pinalalim pa ang pagkakaibigang ito ng dalawang bansa dahil sa magkaibigang sina Dr. Jose Rizal at ang Austrian na si Ferdinand Blumentritt. Pormal na itinatag ang diplomatic relations ng dalawang bansa noong October 17, 1946. Noong 1973 naman naitatag ang kauna-unahang Philippine Embassy sa Vienna.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Austria, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.