Kulang na tubig hamon para sa mga naglilinis sa Marikina matapos ang baha | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kulang na tubig hamon para sa mga naglilinis sa Marikina matapos ang baha

Kulang na tubig hamon para sa mga naglilinis sa Marikina matapos ang baha

ABS-CBN News

Clipboard

Ayon sa lokal na pamahalaan, aabutin pa ng 3 buwan bago malinis ang mga kalye ng mga basura't putik. ABS-CBN News

MAYNILA - Pagsubok sa ngayon para sa mga binahang lugar sa Marikina dahil sa bagyong Ulysses ang kakulangan ng tubig na kailangan sana para linisin ang putik na dinala ng baha sa siyudad.

Para sa ilang residente ng barangay Nangka, parang bumalik ang bangungot na dinanas nila sa bagyong Ondoy noong 2009.

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Akala namin hindi na ito mauulit kasi may ginawang dike tapos nabigla na lang kami alas-12 so hindi na kami nakapag-alsa balutan," ayon sa residenteng si Naomi Electona.

Ang residenteng si Connie Toco, nakalangoy sa masmataas na lugar pero walang naisalbang gamit

ADVERTISEMENT

"Mahirap na nga ang buhay, binagyo pa po. Wala na ngang trabaho. Mahirap talaga," ani Toco.

Ilang bahay lang ang may suplay ng tubig kaya hirap sila sa paglilinis ng bahay.

Ayon sa lokal na pamahalaan, aabutin pa ng 3 buwan bago malinis ang mga kalye ng mga basura't putik.

"May mga nalinis ng area pero makaraan ang isang gabi marami uling tambak. Naglalabas uli ang ating mga kababayan ng kanilang mga nasirang gamit," ani Marikina Mayor Marcy Teodoro.

-- Ulat ni Wheng Hidalgo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.