MAYNILA (3rd UPDATE)—Sinuspende ang klase sa ilang lugar nitong Biyernes, Nobyembre 15, dahil sa inaasahang masamang panahong dala ng bagyong Ramon.
LAHAT NG ANTAS
- Camarines Norte (buong lalawigan)
- Isabela province
- Nueva Vizcaya (buong lalawigan, public schools only)
- Quirino province (hanggang Sabado, Nobyembre 16)
- Quezon
- General Luna
- Guinayangan
- Lopez
PRE-ELEMENTARY HANGGANG HIGH SCHOOL
Kasalukuyang nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Catanduanes. Nakataas naman ang Signal No. 1 sa silangang bahagi ng Isabela, northern Aurora, Polillo Island, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Eastern Samar at Northern Samar.
Ayon sa PAGASA, makararanas ng pag-ulan sa Bicol Region, Quezon, at sa silangang bahagi ng Isabela at Cagayan.
I-refresh ang pahinang ito para sa updates.