Sanggol tinangay ng bagong yaya sa Taguig | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sanggol tinangay ng bagong yaya sa Taguig

Sanggol tinangay ng bagong yaya sa Taguig

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 14, 2019 07:03 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA—Tinangay umano ng isang yaya ang isang sanggol na babae sa Barangay Bambang, Taguig City nitong Miyerkoles.

Nakuhanan sa closed-circuit television (CCTV) camera ang yaya na dala ang 5 buwang gulang na sanggol palabas ng bahay.

Kuwento ng inang si Princess Jean Perrin, natutulog siya at kaniyang kinakasama na kapuwang panggabi ang trabaho nang mangyari ang insidente. Nagising na lang sila na wala na ang bata at yaya.

Ayon kay Perrin, wala pang isang linggong nanunuluyan sa kanila ang yaya na nagpakilalang si Kristine Joy Salik.

ADVERTISEMENT

Kinontak sila ng suspek matapos mag-post si Perrin sa social media na naghahanap siya ng bagong mag-aalaga sa bata.

Ayon kay Police Maj. Matron Calyaen ng Taguig City police, posibleng peke ang ginamit na pangalan ng yaya.

Walang nakakakilala sa suspek nang puntahan ng mga pulis ang address sa Rizal na nakalagay sa Taxpayer Identification Number (TIN) ID at barangay clearance nito.

Paalala naman ni Police Col. Alexander Santos, hepe ng Taguig City police, maging mapagmatiyag sa pagpili ng kasambahay at siguruhing mapagkakatiwalaan pati ang nag-refer nito.

Para sa mga may impormasyon sa kinaroroonan ng bata o ng suspek, maaaring tumawag o magpadala ng mensahe kay Perrin sa 09171790393 o sa Taguig City Police Station hotline na 09395047033 at 86423582.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.