Kulturang Pinoy, ibinida sa UN Day celebration sa PH school sa Greece | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kulturang Pinoy, ibinida sa UN Day celebration sa PH school sa Greece

Kulturang Pinoy, ibinida sa UN Day celebration sa PH school sa Greece

Elmina Buado | TFC News Greece

 | 

Updated Nov 13, 2022 04:32 PM PHT

Clipboard

ATHENS – Ipinarada ng mga mag-aaral na Pilipino at ibang lahi ang kanilang mga tradisyunal na kasuotan mula sa bansang kanilang pinagmulan sa katatapos na selebrasyon ng United Nations Day sa Philippine School sa Greece.

Filipiniana

Ipinamalas din ng mga mag-aaral ang iba-ibang sayaw gaya ng Latin, Arabic at Greek dances. Hindi rin nagpahuli ang mga mag-aaral na nagpabilib sa sayaw na cariñosa, na sibayan pa ng mga guro.

Ibinida rin sa okasyon ang arnis, ang ipinagmamalaking martial arts ng Pilipinas.

Arnis 21

In person na muli ang selebrasyon ng okasyon na nahinto dahil sa pandemic, kaya naman nag- enjoy din sa salo-salo ng mga pagkain mula sa iba-ibang bansa. Binigyang diin naman ni Ambassador Giovanni Palec ang tungkulin ng nagka-kaisang bansa na pangalagaan ang mundong ating ginagalawan.

ADVERTISEMENT

costumes

“If we anchor ourselves in the ideals of the UN, upon which it was founded, we can emerge from the crises we face: stronger and more united than ever,” sabi ni Giovanni Palec, Philippine Ambassador to Greece.

Layon naman ng selebrasyon na magkaroon pagkakaisa at pagtutulungan ang mga mag-aaral sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kanilang mga kultura.

Greek dance

“Napakahalaga na magkaroon ng ganitong selebrasyon o pagtitipun-tipon para malaman at maintindihan ng bawat mag-aaral, bawat guro at ng lahat ng kasama sa paaralang ito, na tayo ay dapat magkaisa, magturingan bilang isang pamilya at magkaroon ng isang pangkaraniwang hangarin o pangarap para sa ating mag-aaral,”sabi ni Gracia Celia Nickel, Directress at Principal ng Philippine School in Greece.

Costume22

Ang Philippine School in Greece ay isa sa mga Philippine Schools overseas na kinikilala ng Department of Education ng Pilipinas.

“The Philippine School in Greece caters from kindergarten ‘till Senior High School. And our students are from different nationalities or different countries and I can say that this is a school wherein the East meets the West,” paliwanag ni Nickel.

May 170 na estudyante ang Philippine School in Greece at ilan sa mga ito ay mula sa iba-ibang bansa.

Naniniwala ang PSG na ang ganitong pagdiriwang ay nakatutulong sa kabuuang pag-unlad ng mga mag-aaral.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Greece, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.