Dahil malinaw at malinis, tubig-baha sa Laguna dala ng Ulysses pinagkakaaliwan

Job Manahan, ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2020 09:28 PM

Malinis na tubig baha sa Pakil, Laguna matapos ang bagyong Ulysses. Larawan mula kay Lorraine Antazo. 

MAYNILA — Kinagigiliwan ng mga netizen nitong Biyernes ang tubig-baha sa munisipalidad ng Pakil sa Laguna dahil malinaw at malinis ito matapos ang pananalasa ng Bagyong Ulysses. 

Ayon kay Lorraine Antazo, may ari ng mga larawan, hindi na ito bago sa kanilang lugar sa Barangay Burgos kapag umaapaw ang Malaking Ilog, na itinuturing ding fish sanctuary.

“Monthly din kasi nililinis yan ng [mga] concerned citizen ng ilog like iyong [ibang] kababaihan,” ani Antazo sa panayam sa ABS-CBN News. 

Sabi naman ni Pakil Mayor Vince Soriano sa isang post sa Facebook, natural na malinis ang tubig na dumadaloy doon dahil galing ito direkta sa Turumba Spring Resort kaya nang humupa ang bagyo ganoon ang kinalabasan. 

“Para po sa kabatiran ng lahat, ang ilog pong ito ay natural na malinis dahil ang tubig na dumadaloy dito ay nanggagaling direkta sa Turumba Spring Resort. Deklaradong Fish Sanctuary rin po ito ng aming bayan,” sabi ni Soriano.

Lumilinis ang tubig ulan na galing bundok na napupunta sa kanilang lugar dahil sa bukal ng Turumba at iba pang bukal sa ilog, ani Antazo. 

Malinaw at malinis ang tubig baha sa isang lugar sa Pakil, Laguna. Makikita ang sitwasyon sa isang lugar sa Barangay Burgos malapit sa ilog bago at matapos ang bagyong Ulysses. Mga larawan mula kay Lorraine Antazo. 

“Kapag unang baha lalo na galing bundok iba ang kulay, brown. After po nun napapalitan ng magandang kulay na nagmumula sa bukal sa Turumba… at iba pang mga bukal sa ilog,” aniya. 

Nilinaw din niya na hindi madalas ang pagbaha sa kanilang lugar. 

Ibinahagi din niya ang mga larawan noong bago bumagyo, kung saan kita ang mga isda sa ilog. Bawal aniya mamingwit at may multa. 

Para naman kay Soriano, kung nakawala na sa ilog at nasa palayan na ang mga isda, maaari naman itong bingwitin.

“‘Yong mga malalaking isda dito na nakawala na sa ilog at nasa mga palayan na sa paligid nito ay pwede na pong bingwitin. Pero pag nasa loob pa rin po ng ilog, magmumulta pa rin pag hinuli ang mga ito ayon kay Kapitan Manny Laciste,” sabi ng alkalde. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.