Lalaki nagnakaw ng tangke ng LPG; 'getaway' tricycle binayaran ng meatloaf

ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2019 03:00 PM

Ayon sa Bayan Patroller na si Shane Villagracia, tirik na tirik ang araw nang walang habas na tinangay ng salarin ang kanilang LPG. Video mula kay Villagracia

Watch more in iWant or TFC.tv

IMUS CITY, Cavite— Isang lalaki dito ang nasapul sa CCTV na tumangay ng isang tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) mula sa isang bahay tanghali noong Nobyembre 8. 

Sa CCTV footage na ibinigay ng biktimang si Shane Villagracia, kita ang kawatan na tila minamata na ang LPG sa garahe ng kanilang bahay.

Matapos ang ilang saglit, binuhat ito ng salarin at pumara ng tricycle para makatakas. 

Naiwan sa bahay ang ina ni Villagracia pero wala itong nagawa. 

Ayon naman sa driver ng tricycle na pinara ng salarin, hindi pera kundi 2 lata ng meatloaf ang ibinayad sa kaniya.

Naaalala pa rin daw niya kung saan pumara ang magnanakaw kaya maaari niya itong ituro. 

Tinutugis na ng mga tagabarangay ang salarin para maparusahan. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.