Pinoy modified e-bike, tampok sa Art and Tech Festival sa Taiwan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pinoy modified e-bike, tampok sa Art and Tech Festival sa Taiwan

Marie Yang | TFC News Taiwan
Published Nov 12, 2022 03:22 PM PHT

TAIWAN - Hindi makapaniwala ang isang OFW sa Taiwan na ang pagkahilig nya sa e-bike ay magiging daan para makasali siya sa isang Art & Tech exhibit kabilang ang taga ibang bansa.

Parami na nang parami ang gumagamit ng electric bike o e-bike sa Taiwan. Madali at matipid na mode of transportation ito lalo na sa pagpasok sa trabaho ng mga migrant worker. Ang OFW na si Marlon na isang factory worker sa Hsinchu, nakahiligan ang paggawa ng modified e-bikes.

“Noong nasa Pilipinas po ako mahilig ako sa motor, then nagkaroon po ng e-bike sa Taiwan. Then naging malikot po ang isip ko, sabi ko gagawa ako ng ibang design, ipapakita ko ang pagkahilig ko sa motor at dito ko in-apply sa e-bike ko,” sabi ni Marlon.

Sumali at nanalo si Marlon sa mga e-bike show sa Taiwan. Napansin din ng organizers ng art and tech event ang kanyang e-bike.

“It’s kind of a cross-combination cooperation. So we used Marlon’s e-bike with a DJ’s controller to come up with a music player...This is supported by the Taoyuan City Government and the Ministry of Cultural Affairs,” pahayag ni Taoyuan Art & Tech Festival 2022 Curator/Organizer Escher Tsai.

Kabilang ang e-bike ni Marlon at iba pang likha ng mga Japanese, Singaporean, Malaysia at Taiwanese artists sa itinampok sa exhibit ng Taoyuan Arts Center nitong Oktubre.

“Sa pagiging artistic po natin, sa pagiging malikhain, ako po ay masayang-masaya dahil isa po ako sa Pinoy na napabilang sa kanilang exhibit dito sa Taoyuan Arts Center,” pagbabahagi ni Marlon.

Labis ang tuwa ni Marlon dahil gagamitin sana sa isang film production ang kanyang e-bike na pinangalanan pa niyang 'Butchok.' Pero napalitan ito ng lungkot dahil ninakaw ang e-bike ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

“Ako ay nananawagan sa mga nakakita po lalo na sa mga pulis na sana po maaksyunan ang mga ganitong pangyayari kasi napakarami na pong e-bike ang nawawala dito sa Taiwan,” panawagan ni Marlon.

Magbibigay rin si Marlon ng pabuya sa mga makakapagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng kanyang e-bike.

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT