Magsasaka, patay matapos tagain ng kapatid sa inuman sa Davao Occidental | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magsasaka, patay matapos tagain ng kapatid sa inuman sa Davao Occidental

ABS-CBN News
Published Nov 12, 2022 02:22 PM PHT

Patay sa pananaga ang 48 taong gulang na magsasaka na si Christopher Sumaday alyas Ogoy sa Sitio Balangiba, Brgy. Basiawan, bayan ng Sta. Maria, Davao Occidental Martes ng gabi.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Lino Sumaday, 26, na umamin sa krimen.

Ayon sa suspek, nakonsensiya siya sa nagawa niya sa kapatid.

Batay sa imbestigasyon ng PNP, nauwi sa alitan ang kanilang inuman noong gabi na 'yon.

ADVERTISEMENT
Matagal na umanong nagtanim ng sama ng loob si Lino sa kanyang kuya mula noong namatay ang kanilang ama.

Sinampahan na ng kasong murder ang suspek na nasa kustodiya ngayong ng PNP. – Ulat ni Hernel Tocmo