PatrolPH

Cargo vessel sumadsad sa seawall ng SM Mall of Asia

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2020 01:30 PM

Cargo vessel sumadsad sa seawall ng SM Mall of Asia 1
Sumadsad ang isang cargo vessel sa seawall ng SM Mall of Asia dulot ng malakas na hangin at alon na dala ng Bagyong Ulysses nitong Huwebes ng umaga, ayon sa alkalde ng Pasay City. Mayor Emi Calixto-Rubiano

MAYNILA - Sumadsad ang isang cargo vessel sa seawall ng SM Mall of Asia nitong Huwebes ng umaga dulot ng malakas na hangin at alon na dala ng Bagyong Ulysses, ayon sa alkalde ng Pasay City.

Nakikipagugnayan na ang mga lokal na awtoridad sa Philippine Coast Guard, ayon kay Mayor Emi Calixto-Rubiano sa isang Facebook post.

Walang naiulat na nasaktan sa insidente, ayon kay Ruth Salimbangon ng City Disaster Risk Reduction Management Office.

 

Handang tumanggap ng mga lumilikas na residente ang 2 evauctaion center ng Pasay, dagdag ni Salimbangon.

"Wala pa tayong gaanong nirerescue dahil responsive ang mga tao dito," aniya.

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.