Traslacion hindi muna isasagawa sa 2023 | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Traslacion hindi muna isasagawa sa 2023

Traslacion hindi muna isasagawa sa 2023

ABS-CBN News

Clipboard

Traslacion hindi muna isasagawa sa 2023

MAYNILA -- Sa ikatlong taon mula nang magkapandemya, wala pa ring isasagawang prusisyon sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Poong Nazareno sa darating na Enero 9.

Ayon sa pamunuan ng Quiapo Church, dumaan sa maraming konsultasyon at masusing pag-aaral ang kanilang naging desisyon.

"Unang-una sa konsiderasyon natin tayo pa rin ay nasa ilalim ng pandemya at at risk pa tin ang ating kapatid na may edad na at may mga immunocompromised," ani Rev. Fr. Earl Valdez, attached priest ng Minor Basilica of the Black Nazarene.

Wala man ang tradisyunal na prusisyon, tuloy naman ang ibang aktibidad tulad ng oras-oras na misa sa simbahan ng Quiapo.

ADVERTISEMENT

At sa halip na pahalik, pagbibigay-pugay sa imahen ang gagawin simula Enero 7.

"Sa Quirino Grandstand po ay naroron ang pagbibigay-pugay, naroroon pa rin ang panggabing programa at higit sa lahat naroroon ang misa ng kapistahan o tinatawag nating Misa Mayor sa ganap na alas-dose ng hatinggabi sa ika-9 ng Enero na pamumunuan ng ating mahal na cardinal, Jose Cardinal Advincula," ayon kay Valdez.

"Yung pagbibigay-pugay ay maaari nating lapitan at hawakan ang imahen, nakapila ang bawat deboto may entry at exit points po tayo na defined at inoobserbahan po natin ang minimum na physical distacing requirements sa paggalaw ng pila pero bago pumasok sa lugar ng pagpupugay magsasanitize po ang mga kamay ng deboto at regularly isasanitize yung lugar kung nasaan ang imahen," dagdag pa niya.

"Simula sa araw ng lingo, ika-8 ng Enero ay sisimulan na natin ang misa sa pagdiriwang ng fiesta. Magkakaroon po tayo ng mahigit-kumulang na 34 na oras-oras na pagmimisa," sabi ng pari.

Sa mga susunod na linggo maglalabas ng mas detalyadong schedule ang Quiapo Church hingil sa selebrasyon ng Pista ng Itim na Nazareno.

Laking panghihinayang ng cancer patient na si Jhuliean Devanadera nang malamang wala ulit prusisyon sa dating sa Pista ng Itim na Nazareno.

"Nung nalaman ko na may sakit akong cancer nakahiga lang ako, iyak lang ako ng iyak, di ako nakain, inaano ko sa sarili ko bakit ako. Pero nung inano kay Nazareno at Padre Pio pinaubaya ko na lahat umayos ang pakiramdam ko talagang nanalagin ako sakanya na akoy pagalingin. Sa awa ng Diyos malakas ako ngayon," kuwento niya.

"Sana matuloy ulit yung ganong prusisyon tuwing January kasi maraming tao umaasa kay Nazareno."

Pero ang senior citizen na si Wilson Lanoso, pabor na wala munang prusisyon ulit.

"Susunod lang tayo sa ano ng simbahan kasi mahirap naman yun may pandemic pa tayo. Payag ako kasi para naman sa lahat yan. Magsisimba na lang taimtim na magsisimba kasama pamilya ko."

Wala mang prusisyon, naghahanda na rin ang Manila Police District sa ilalatag nilang seguridad.

"Baka po higpitan pa natin lalo kasi voluntary na yung pagsuot ng face mask," ani Capt. Rowell Robles, hepe ng istasyon ng pulis sa may Plaza Miranda.

"Yung mga bawal po pagbabawalan talaga natin sa contingency, kasi may mga pila dyan so yung mga bawal ipasok, bawal pa rin ipasok, yung mga bawal pilahan bawal pa rin po yun, kung san pwede pumasok doon lang po, kung saan pwede lumabas doon lang po. Tapos bawat kanto lalagyan natin ng kapulisan," dagdag pa ng opisyal.

Naiba man ang selebrasyon ng Pista ng itim na Nazareno ng halos tatlong taon na dahil sa pandemya, giit ng Quiapo Church, ang mahalaga ay mas patatagin ang pananampalataya sa Poong Itim na Nazareno.

FROM THE ARCHIVES:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.