Hinaing ng OFWs sa Italya, idinulog kay Sen. Tulfo at OWWA chief Ignacio | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Hinaing ng OFWs sa Italya, idinulog kay Sen. Tulfo at OWWA chief Ignacio

Mye Mulingtapang | TFC News Italy
Published Nov 10, 2022 11:40 PM PHT

MILAN - Tinalakay ang mga programa, reporma at maging hinaing ng mga OFW sa isang diyalogo kasama sina Senator Raffy Tulfo at OWWA administrator Arnell Ignacio sa Italya na ginanap noong October 30.

Ipinarating ng Filipino community leaders sa dalawang opisyal ng Philippine government sa bumisita sa Italya ang samu’t saring isyu, mula sa pag proseso ng mga dokumento sa SSS, Philhealth at OWWA contribution hanggang sa tulong para sa mga OFW na na-ospital o na-aksidente.

Nangako naman ng agarang aksyon si Tulfo na chairman ng Committee of Migrant Workers sa senado.

“I will make sure when I get home, ‘yun po yung unang una kong gawin first things first para matugunan po ang mga problema ninyo,” wika ni Sen.Tulfo.

ADVERTISEMENT
May magandang balita naman si Ignacio. Sabi niya, mas pinadali na ang proseso para maging OWWA member. Maaari na ring maging miyembro ng OWWA ang mga OFW na walang permanenteng trabaho o employment contract.

Kailangan lang mag-sumite ng dokumento na magpapatunay na tumatanggap ng sahod ang isang OFW para maging miyembro ng OWWA.

“Luluwagan talaga natin Ito kahit tissue paper lang na nakasulat na tumanggap kayo ng sahod sa part time job, we will accept it and you will get your full benefit of your membership,” sabi ni Ignacio.

Hinikayat din ni Ignacio na mag-avail ang mga kababayan ng mga programa ng OWWA para sa kanilang pamilya.

Laking pasasalamat naman ng FilCom leader na si Ed Turingan na nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino sa Italya na iparating ang kanilang mga hinaing.

“Ito na po yung pagkakataon na ibinigay po sa atin para madinig po o mapakinggan yung ating mga hinaing na minsan po ay hindi natin malaman kung saan ilalapit,” sabi ni Turingan na pangulo ng MOVE-OFW Association.

Sabi naman ni Turlfo, magiging daan ang bagong tatag na DMW para matutukan ang mga panukala para sa kapakanan ng OFW.

“Rest assured pagbalik ko po namin ng Pilipinas, hindi po ako tamad na senador. Ako po’y masipag na senador ninyo. I’ll make sure na lahat po ng mga pinag-usapan natin na ito ay matatalakay po sa senado,” sabi ni Tulfo.

Plano din ng ibang mambabatas na puntahan ang mga bansang may mataas na bilang ng mga Pinoy para marinig ang kanilang mga hinaing at makapagbalangkas ng mga batas upang ma-aksyunan ang kanilang mga problema.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Italy, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
KAUGNAY NA VIDEO:
Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT