Labor group may agam-agam sa pahayag ni Duterte tungkol sa unvaxxed job applicants | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Labor group may agam-agam sa pahayag ni Duterte tungkol sa unvaxxed job applicants

ABS-CBN News
Published Nov 10, 2021 09:03 PM PHT

MAYNILA - Iginiit ng isang grupo ng mga manggagawa na hindi puwedeng i-discriminate ang hindi pa handang magpabakuna.

Ito ay matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na karapatan ng employer na tanggihan ang job applicants na hindi bakunado kontra COVID-19.

"Gustuhin man natin na mabakunahan lahat ng manggagawa, subalit mayroong batas na hindi puwedeng pilitin, hindi puwedeng i-discriminate 'yung mga manggagawang hindi pa handang magpabakuna," ani Associate Labor Union - Trade Union Congress of the Philippines Spokesperson Alan Tanjusay.

Ang tinutukoy ni Tanjusay ay ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 na hindi dapat gawing dagdag na requirement ang vaccine card sa employment.

Unang nabanggit ni Duterte sa isang public address noong Martes na karapatan ito ng employer.

"I think it's legal for employers not to accept people who are not vaccinated. It could mean a loss of, stoppage or whatever kung puro nagkasakit na. In this case you are only protecting your property, your investments, your business. And second is that you are protecting your employees," ani Duterte.

Pero sa guidelines ng Department of Labor and Employment, hindi tukoy kung tulad ng mga empleyado ay sakop din sa polisiyang nagbabawal sa "no vaccine, no work," ang mga aplikante pa lang.

Base sa datos ng gobyerno, lagpas 30 milyon na ang fully-vaccinated kontra COVID-19 sa bansa, habang 35.6 milyon ang may unang dose.

Kabilang dito ang mahigit 633,000 na batang 12 hanggang 17 anyos.

— Ulat ni Vivienne Gulla, ABS-CBN News
Read More:
COVID-19
COVID-19 vaccine
COVID-19 vaccination drive
labor
hanapbuhay
work
labor force
job applicants
business
trabaho
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT