3 lalaki, patay sa magkahiwalay na buy-bust sa Cavite | ABS-CBN
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
3 lalaki, patay sa magkahiwalay na buy-bust sa Cavite

ABS-CBN News
Published Nov 10, 2018 05:22 AM PHT
|
Updated Nov 10, 2018 10:02 PM PHT
CAVITE - Patay ang 2 lalaki sa buy-bust operation sa Kawit, Cavite Sabado ng madaling-araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Rodelito Pelayo at Artajule Sarinas.

Nagpaputok umano ang mga suspek nang makahalata ng pulis ang kanilang katransaksiyon.

Ayon kay Chief Insp. Richard Corpuz ng Kawit police, ang parokyano ng mga suspek ay mga construction worker.

ADVERTISEMENT
Kinumpirma rin ng kagawad ng Barangay Toclong na madalas dumaan ang mga suspek sa madilim na kalsada tuwing dis-oras ng gabi.

Narekober sa mga bangkay ang kalibre .38 na baril.

Samantala, patay rin sa buy-bust operation ang isang hinihinalang tulak sa General Mariano Alvarez.

Nakuha kay Roberto Glori ang 10 sachet ng umano'y shabu at isang kalibre .38 na baril.

Ikinasa ang operasyon sa bahay ng suspek pero nagpaputok umano ito sa mga pulis.

Ayon kay Chief Insp. Romulo Dela Rea, hepe ng General Mariano Alvarez police, minana ng suspek ang pagtutulak matapos makulong ang kapatid nito.

Ginagamit din umano ang bahay na drug den ng mga parokyano mula sa Barangay San Jose at mga karatig-barangay. - ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News