Lingkod Kapamilya namahagi ng tulong sa mga nalindol sa Davao del Sur | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lingkod Kapamilya namahagi ng tulong sa mga nalindol sa Davao del Sur

Claire Cornelio,
ABS-CBN News
Published Nov 09, 2019 12:47 AM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
MATANAO, Davao del Sur—Mahigit 200 pamilya ang nabigyan ng mga food pack at kumot ng Lingkod Kapamilya Operation Sagip sa Barangay Colonsabac sa bayan na ito Biyernes.

Pinakamalayo ang barangay na ito mula sa sentro ng bayan na aabot sa mahigit isang oras ang biyahe.

Nagpasalamat ang residenteng si Marchi Lasibn, na 6 na buwang buntis, sa tulong na kanilang natatanggap mula sa lokal na pamahalaan at pribadong sektor.

"May mga tumutulong sa amin, pinapanalanginan kami ng Panginoon," ani Lasibn.
"May mga tumutulong sa amin, pinapanalanginan kami ng Panginoon," ani Lasibn.
ADVERTISEMENT
Ayon kay barangay chairman Tommy Curog, ito na ang ikatlong batch ng tulong na kanilang natatanggap mula Oktubre 16, kung kailan tumama ang unang malakas na lindol sa buwan na iyon.

"Aabot sa 400 pamilya ang apektado dito sa amin, kasi 'yong mga residente di na makapagsaka sa bukid nila, dahil takot na sa lindol at landslide," ani Turog.

Pinuntahan din ng Operation Sagip ang Barangay Kibao upang matugunan ang pangangailangan ng mga residente ng maiinom.

Mahigit 200 kahon ng mineral water ang ibinahagi sa mga residente.

Pangunahing problema sa barangay ang maiinom na tubig dahil nasira ang kanilang water system.

"Taos puso ang aming pasasalamat sa ABS-CBN. Dahil sa inyo, nakita nila ang balita sa amin, may mga tumulong na sa aming pangangailangan," ani Bimbo Bacamante, isang disaster officer.

Patuloy na maglilibot ang Operation Sagip sa mga Kapamilyang nangangailangan ng tulong.

Read More:
Regional news
Tagalog news
Lingkod Kapamilya
Matanao
Davao del Sur
lindol
earthquake
relief operations
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT