Higit 300 umanong nakaw na cellphone, kompiskado sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2019 08:18 PM

MAYNILA—Higit 300 na binebentang mobile phones na umano ay galing sa nakaw ay kinompiska ng mga awtoridad sa lungsod na ito Sabado.

Ayon sa Manila Public Information Office, nasabat ang mga naturang cellphones mula sa ilang nagtitinda at mga mall sa lungsod.

 

Pwede umanong pumunta ang mga nanakawan ng cellphone sa opisina ng Special Mayor's Reaction Team (SMaRT) sa ground floor ng Manila City Hall, para i-check kung kabilang ang kanilang cellphone sa mga narekober ng mga awtoridad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.