Babae nagpanggap umano na buntis para magnakaw sa Lucena City

ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2019 02:51 PM | Updated as of Nov 09 2019 07:33 PM

Duda ang nanakawan na buntis ang kawatan, batay sa kung paano ito gumalaw. CCTV screengrab mula kay Klarizz Ranas

LUCENA CITY, Quezon - Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang babaeng nagpanggap umanong buntis habang nagnanakaw ng cellphone sa isang bahay sa Barangay Gulang-Gulang sa siyudad na ito. 

Base sa kuha ng CCTV, umakyat ang kawatan sa ikalawang palapag ng bahay at dahan-dahang binuksan ang gate. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Lalabas na sana ang kawatan pero bumalik at kumuha ang isang eco bag para isilid ang mga nanakawing cellphone. 

Duda ang biktima na buntis ang kawatan. 

"Noong una talagang naniniwala akong buntis siya pero andaming nagsasabi sa akin na disguise lang daw so parang modus," ani Klarizz Ranas, may-ari ng nanakawang bahay. 

Ini-report na ang insidente sa pulisya, na tumutugis ngayon sa mga suspek. 

-- Ulat ni April Magpantay, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.