Imelda Marcos 'guilty' sa kasong graft; martial law victims nagbunyi | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Imelda Marcos 'guilty' sa kasong graft; martial law victims nagbunyi

Imelda Marcos 'guilty' sa kasong graft; martial law victims nagbunyi

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 09, 2018 07:28 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nahatulang "guilty" ng Sandiganbayan nitong Biyernes si dating First Lady at ngayo'y Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos sa pitong counts ng graft dahil sa paggamit sa kaniyang posisyon noon upang magpanatili ng mga Swiss bank account.

Tumayong Minister of Human Settlements at miyembro rin ng Interim Batasan Pambansa si Imelda noong panahon ng pamumuno ng kaniyang asawang si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. mula 1965 hanggang 1986.

Sinasabing ginamit ng pamilya Marcos ang mga Swiss bank account upang itago ang kanilang mga ninakaw na pera mula sa gobyerno.

Nahatulang "guilty" sa 7 counts ng kasong graft si Imelda Marcos. Agence France-Presse

Nahaharap ngayon ang ginang sa hindi bababa sa anim na taong pagkakakulong at perpetual disqualification sa paghawak ng ano mang posisyon sa gobyerno.

ADVERTISEMENT

Naghain ng certificate of candidacy si Marcos upang tumakbo sa pagka-gobernador ng Ilocos Norte sa halalan sa Mayo 2019.

Maaari pang iapela ni Marcos ang hatol sa Korte Suprema.

Ayon sa Philippine Commission on Good Government (PCGG), tinatayang nasa $5 bilyon hanggang $10 bilyon ang tagong yaman ng pamilya Marcos.

Nasa P170 bilyon na dito ang narekober ng gobyerno sa nakalipas na 30 taon.

Sa ngayon, wala pang nailalabas na arrest warrant laban kay Marcos.

ADVERTISEMENT

Matapos ang hatol, nag-bonfire ang ilang guro at estudyante ng University of the Philippines-Diliman bilang simbolo ng itinuturing nilang malaking tagumpay para sa mga Pilipino.

Mga biktima ng martial law 'natuwa' sa hatol vs. Imelda

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ikinatuwa rin ng mga biktima ng batas militar ang hatol ng Sandiganbayan.

Isa na dito si dating Commission on Human Rights chair Loretta "Etta" Rosales, na naging biktima ng pagmamalupit noong martial law.

"I'm jumping up and down with joy, I'm so happy. Can you imagine, that’s 20 years of hard, hard work," aniya.

Ikinatuwa rin ni martial law detainee Danilo Dela Fuente ang desisyon, pero nangangamba siyang mabago pa ito kapag naapela.

ADVERTISEMENT

Tiniyak naman ng Malacañang na ginagalang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng Sandiganbayan.

—Ulat nina Adrian Ayalin at Ina Reformina, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.