Ika-8 anibersaryo ng Yolanda ginunita ng survivors | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ika-8 anibersaryo ng Yolanda ginunita ng survivors

ABS-CBN News
Published Nov 08, 2021 07:59 PM PHT

MAYNILA — Walong taon makalipas ang paghagupit ng super bagyong Yolanda sa Tacloban City, ilang survivors nito ang patuloy na sinasanay ang sarili sa bagong buhay.

Hindi makalimutan ng pamilya ni Genita Labrague ang araw ng delubyo noong humagupit ang Yolanda. Nasira ang kanilang bahay na nasa gilid ng dagat.

Pero laking pasalamat nila na pagkalipas ng 8 taon, sama-sama pa rin ang kanilang pamilya.

Kaya tuwing anibersaryo ng Yolanda, nagkakaroon sila ng munting salo-salo bilang pasasalamat sa pangalawang buhay na ibinigay sa kanila.

"Medyo naka-move on na... Kumbaga, medyo hindi na masakit," aniya.

Nailipat na rin sila sa relocation site, malayo sa dalampasigan na dati nilang tinitirhan. Iniwan na rin ng kanilang padre de pamilya ang pangingisda.

"Hindi na kami nag-isda, naghanap siya ng ibang trabaho bilang glass installer. Malayo na kasi kami, dati nasa gilid lang ng dagat," aniya.

Nitong Lunes, may mga bumisita din sa mass grave ng Yolanda victims para mag-alay ng dasal, kandila at bulaklak para sa mga namatay sa bagyo.

Si Alicia Iguillos, nagdadalamhati pa rin sa pagkamatay ng kanyang mister. Nang manalasa ang bagyo, nagpaiwan ang kanyang asawa para magbantay ng gamit.

Nahirapan siya nang mamatay ang mister dahil walang naghahanap-buhay para sa pamilya.

Nagtirik din ng kandila si Rogelio Opong na namatayan naman ng anak. Kahit 8 taon na daw ang nakalipas, hindi pa rin niya maiwasang manghinayang sa pagkawala ng anak.

Bumisita rin doon si presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na hanga umano sa katatagan ng Yolanda survivors.

—Ulat ni Jenette Ruedas
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV PATROL TOP
Yolanda
super typhoon
tragedy
trahedya
delubyo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT