Pulis patay, 3 sugatan sa pagbangga ng kotse sa trak sa Sorsogon | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis patay, 3 sugatan sa pagbangga ng kotse sa trak sa Sorsogon

ABS-CBN News
Published Nov 08, 2020 11:17 PM PHT

Wasak at yupi ang isang kotse nang makabangga sa nakaparadang trak sa tabi ng kalsada sa Barangay Manjulad, sa bayan ng Matnog sa Sorsogon bandang alas-5 ng madaling araw Sabado.

Apat na pulis ang sakay ng kotse na lahat nagtamo ng sugat sa katawan. Pero isa sa kanila ang binawian ng buhay. Kinilala ang nasawi na si Patrolman Marvin Castro, 25 anyos at residente ng Barangay Aquino Bulan Sorsogon.

Ayon kay Police Senio Master Sergeant Rommel Chil, imbestigador ng Matnog Municipal Police Station, bumangga ang kotse sa nakaparadang trak matapos iwasan ang kasalubong na SUV.

Pumasok na umano kasi ito sa kanilang linya. Pero sa biglang iwas ng kotse, bumangga ito sa likod ng nakaparadang trak. Hindi raw ito napansin ng pulis na nagmamaneho ng kotse dahil madilim pa at maulan sa lugar nang mangyari ang aksidente.

ADVERTISEMENT
Marami ang nakaparada at nakapilang trak sa tabi ng kalsada na papuntang Matnog Port.

Civilian car ang gamit ng mga pulis para iwas ambush lalo pa't may hinahabol sila nang mga oras na iyon matapos makatanggap ng impormasyon na may mga armadong lalaki sa Barangay Hidhid.

- ulat ni Karren Canon
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT