VIRAL: Biology student suma-sideline bilang gasoline boy, tindero ng sitsirya

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

VIRAL: Biology student suma-sideline bilang gasoline boy, tindero ng sitsirya

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 09, 2019 02:39 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Viral ngayon sa social media ang retrato ng isang college student na suma-sideline bilang gasoline boy at tindero ng sitsirya para matustusan ang kaniyang pag-aaral.

Sa retrato ni Analyn Marco, makikitang may hawak na mga sitsirya ang Biology student na si Christian Mark Magistrado na ibinebenta sa eskuwela.

Umabot na ng higit 10,000 reactions ang post ni Marco.

Kapag may break, inilalako umano ni Magistrado sa kaniyang mga kaeskuwela sa Daraga Community College ang mga paninda niya

ADVERTISEMENT

Tuwing gabi naman, suma-sideline si Magistrado bilang gasoline boy.

Ayon kay Magistrado, ang mga kinikita niya ay ipinapadala sa kaniyang ina para matustusan ang ilang pangangailangan gaya ng pagpapaaral sa bunso, at ang pagkain ng pamilya.

Doble-kayod si Magistrado, lalo't kamamatay lang nitong Setyembre ng kaniyang ama, na natagpuan ang bangkay sa laot sa probinsiya.

"Hindi nga namin alam yung reason kung bakit siya namatay kasi natagpuan lang siya sa laot hindi namin siya maipa-autopsy kasi wala kaming pera so yun po gusto ko lang mag-give back yung sacrifice ng father ko masuklian ko," ani Magistrado.

Todo-puri naman ang dekano ng kolehiyo na si Editha Lodado.

ADVERTISEMENT

"Very inspiring talaga eh nakita niyo naman ngayon ano bitbit niya," ani Lodado.

Bilib naman ang guro ni Magistrado na si Helen Mesa lalo't nakakapaghanda pa raw ito ng visual materials sa gitna ng pagbabalanse ng oras sa pag-aaral at pagtatrabaho.

"As a student imagine working day and night and preparation of the instruction materials is very impossible for him working 8 hours a day and attending his classes pero still an excellent student in terms of the performance in the school," pahayag ni Mesa.

-- Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.