Matapos ang pagmumura ni Sec. Locsin: CSC may paalala sa gov't officials | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Matapos ang pagmumura ni Sec. Locsin: CSC may paalala sa gov't officials

ABS-CBN News
Published Nov 08, 2019 07:03 PM PHT

MAYNILA — Nagpaalala ang Civil Service Commission (CSC) sa public officials ukol sa ugaling dapat nilang panatilihin bilang mga kinatawan ng gobyerno.

Ito ay matapos pagmumurahin sa Twitter ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. ang 2 reporter mula sa magkaibang pahayagan.

Ayon kay CSC commissioner Aileen Lizada, maliwanag sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees na obligado lahat sa gobyerno na maging magalang at mahaba ang pasensya sa serbisyo publiko.

Maaari raw pagmultahin, masuspinde, o masibak sa puwesto ang lalabag sa batas.
"Public office is a public trust. They trust we are doing the right thing. So just a gentle reminder to everyone," ani Lizada.

Maaalalang nag-init ang ulo ni Locsin kay Inquirer reporter Jhesset Enano matapos nitong punahin ang hindi pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa huling seremonya ng ASEAN Summit kamakailan.

Pumalag din si Locsin sa tweet ni Philippine Star reporter Marc Jayson Cayabyab na nagpapaalala sa tamang asal na dapat ipakita ng mga opisyal ng gobyerno.

Binura na ni Locsin ang mga naunang tweet pero hindi ito humingi ng paumanhin sa inasal.

Ayon naman sa Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), may tamang proseso sakaling may isyu si Locsin sa sinumang taga-media.
"Secretary Locsin could have complained to the Inquirer because Ms. Enano is a reporter of the Inquirer or in the case of Mr. Cayabyab, he could have also complained to the Star," ani CMFR board member Luis Teodoro.

Sabi pa ni UP political science assistant professor Jean Franco, dati namang taga-media si Locsin kaya alam niya dapat kung paano makitungo sa mga mamamahayag.

"Nakaka-disappoint at talagang sa tingin ko foul 'yung kaniyang ginawang pagmumura sa isang journalist," ani Franco.

Makakasama rin daw sa administrasyon ang ganitong asal ng pinakamataas na diplomat ng bansa.

—Ulat ni RG Cruz, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT