Lalaki patay matapos makuryente sa 'anti-kawatan' fence sa Negros Occidental

Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News

Posted at Nov 08 2019 11:01 PM | Updated as of Nov 08 2019 11:24 PM

Isang lalaki ang nasawi matapos niya hawakan ang isang electric barbed wire fence sa Talisay City sa Negros Occidental.

Kinilala ang biktima na si Joel Cundiman, 35, na nakitang patay na nitong Biyernes sa isang lupain para sa mga pangsabong ng manok.

Ayon sa pulisya, ang naturang bakod ay pagmamay-ari ng tiyuhin ng biktima. 

Saad ng tiyuhin, nilagyan nila ng kuryente ang barbed wire fence dahil palagi daw silang pinapasok ng mga kawatan at pinagnanakawan ng manok.

Nakita na lang ang bangkay ni Cundiman Biyernes ng umaga pero ayon sa pulisya, posibleng Huwebes pa ng gabi namatay ang biktima.

Hindi magsasampa ng kaso ang pamilya ng biktima, pero humihingi sila ng tulong sa kanilang tiyuhin sa pagpapalibing ng nasawi.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.