PNP, itinangging may 'tanim-droga' sa mga checkpoint | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PNP, itinangging may 'tanim-droga' sa mga checkpoint

ABS-CBN News
Published Nov 08, 2018 04:30 PM PHT

Pinabulaanan ngayong Huwebes ng Philippine National Police (PNP) ang kuwentong mayroon umanong mga pulis na nagtatanim ng ilegal na droga sa mga motorista sa mga checkpoint para makapangikil.

Kumalat kamakailan sa social media ang kuwento ng isang motorista na pinahinto umano sa isang checkpoint. Pinabuksan daw ng mga pulis ang compartment ng kaniyang sasakyan saka siya pinaalis.

Subalit nagduda raw ang motorista kaya huminto muna at sinilip ang compartment ng sasakyan, kung saan daw niya nakita ang isang sachet ng shabu.

Isang checkpoint din daw ng mga pulisya ang nakaabang sa motoristang "tinaniman" ng droga.
Isang checkpoint din daw ng mga pulisya ang nakaabang sa motoristang "tinaniman" ng droga.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Chief Superintendent Benigno Durana, tagapagsalita ng PNP, "fake news" ang viral post ukol sa "tanim-droga" modus.

Visual inspection lang daw ang maaaring gawin sa mga checkpoint ng pulisya para walang mangyaring pagtatanim ng mga ebidensiya, ayon kay Durana.

-- Ulat nina Raffy Santos at Zhander Cayabyab, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
modus
tanim-droga
viral
checkpoint
motorista
Philippine National Police
PNP
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT