Langis tumagas sa palayan, sapa sa Calapan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Langis tumagas sa palayan, sapa sa Calapan

Langis tumagas sa palayan, sapa sa Calapan

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 08, 2017 09:57 AM PHT

Clipboard

MANILA - (UPDATED) Tumagas ang langis mula sa isang planta ng kuryente patungo sa mga taniman ng palay at kalapit na sapa sa Calapan, Oriental Mindoro, Miyerkoles.

Sa isang pahayag, ipinaliwanag ng DMCI Power Corp. na nagsasalin sila ng langis ng magka-aberya ang isang sensor.

Dahil dito, nagtuloy-tuloy ang pagsasalin sa buffer tank hanggang mapuno ito at umapaw ang nasa 800 litro ng langis, ayon sa DMCI.

Dagdag ng kumpanya, mabilis na dumaloy ang langis patungo sa mga palayan at sapa dahil sa tubig-baha na iniwan ng pag-ulan nitong mga nakaraang araw.

ADVERTISEMENT

Nasa 8 ektaryang palayan ang naapektuhan ng oil spill, sinabi sa DZMM ni Lt. Anthony Cuevas ng Philippine Coast Guard.

Kontrolado na aniya ang sitwasyon, pero patuloy ang manual recovery ng tumagas na langis.

Sinabi naman ng DMCI na iimbestigahan nito ang insidente. Patitibayin rin umano nila ang pader sa paligid ng imabakan ng kanilang langis. Ulat ni Noel Alamar, DZMM

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.