Radio broadcaster patay sa pamamaril sa Dumaguete City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Radio broadcaster patay sa pamamaril sa Dumaguete City

Radio broadcaster patay sa pamamaril sa Dumaguete City

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 07, 2019 12:27 PM PHT

Clipboard

Papunta sa pinapasukang radio station ang biktima nang pagbabarilin ng armadong lalaki. Photo Courtesy: Roy Ortega

(UPDATE) Patay ang isang radio broadcaster nang pagbabarilin nitong Huwebes ng umaga sa Barangay Piapi sa Dumaguete City, Negros Oriental.

Kinilala ang biktima na si Dindo Generoso, broadcaster sa programang dyEM ng 96.7 Bai Radio.

Ayon sa Dumaguete City Police, nagmamaneho papunta sa pinapasukang radio station si Generoso nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki.

Ayon sa pulis, nagtamo ng apat na bala sa kanyang katawan ang biktima.

ADVERTISEMENT

Tumakbong mayor ng lungsod ang biktima noong 2016.

Bubuo ng task force ang pamahalaan kasunod ng insidente, ayon kay Justice Secretary Menardo Guevara.

Plano ng kalihim na gamitin na rin ang NBI para tumulong sa gagawing imbestigasyon sa kaso kung kakailanganin.

Si Generoso ang ikalawang mamahayag na napatay kasunod ng pagpatay sa radio broadcaster na si Edmund Sestoso noong April 30, 2018 sa Dumaguete City, ayon sa National Union of Journalist of the Philippines (NUJP).

Sa ngayon, blangko pa ang mga pulis sa motibo sa krimen.

-- Ulat nina Martian Muyco at Johnson Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.