Malawakang paglilinis ng kalsada para sa ASEAN, umarangkada na | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Malawakang paglilinis ng kalsada para sa ASEAN, umarangkada na

ABS-CBN News
Published Nov 07, 2017 01:08 PM PHT

Bilang paghahanda sa nalalapit na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, ikinasa ng lokal na pamahalaan ng Maynila nitong Martes ang malawakang paglilinis sa mga kalsadang dadaanan ng mga delegado.

Manila Task Force Clean Up, nagsagawa ng paglilinis sa Roxas Blvd at iba pang kalye bilang paghahanda sa #ASEAN2017 summit pic.twitter.com/OcFMuk9T1h | @Dennis_Datu
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) November 7, 2017

Pinangunahan ng Manila Task Force Clean Up at Department of Public Service ng Manila City Hall ang paghahakot ng mga basura at iba pang kalat sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

Usually kapag may bisita tayo sa bahay, talagang naglilinis tayo ng bahay - Che Borromeo, Manila Task Force Clean Up Head pic.twitter.com/jYMI4VeuSK | via @Dennis_Datu
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) November 7, 2017
Usually kapag may bisita tayo sa bahay, talagang naglilinis tayo ng bahay - Che Borromeo, Manila Task Force Clean Up Head pic.twitter.com/jYMI4VeuSK | via @Dennis_Datu
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) November 7, 2017
"Kailangan namin mag-araw-araw [ng linis] hanggang dumating 'yong mga bisita po natin," ani Che Borromeo, pinuno ng Manila Task Force Clean Up Head.

Nilinis rin maging ang Baywalk at mga kalsada ng Pedro Gil, Quirino Avenue, Kalaw, United Nations, Lawton at Padre Faura.

ADVERTISEMENT
Pinaalis din ang mga tinderong nakahanay sa mga bangketa.

Ipinagbawal na rin ang pagtulog sa Baywalk.

Sa mismong ASEAN Summit, magtatalaga ang Manila City Hall ng 120 na tauhan para panatilihin ang kalinisan sa Roxas Boulevard.

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Association of Southeast Asian Nations
ASEAN
balita
Roxas Boulevard
Manila Task Force Clean Up
clean-up
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT