Lalaking hubo't hubad naglalakad sa kalsada sinagip sa QC | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking hubo't hubad naglalakad sa kalsada sinagip sa QC

ABS-CBN News
Published Nov 06, 2019 12:14 PM PHT

MAYNILA - Sinagip ng mga awtoridad noong Martes ang isang lalaking hubo't hubad na pagala-gala sa kalsada sa Barangay Sacred Heart, Quezon City.

Kinumpirma ito ng opisyal ng Quezon City Social Services Development Department matapos idulog ng isang alyas "Camille" ang video ng lalaking pagala-gala sa kahabaan ng Scout Ybardolaza.

Kuwento ni Camille, agad siyang bumalik sa lugar nang una niyang makita ang lalaki sa kalsada para hatiran ito ng damit at pagkain.

Kinuha ng lalaki ang damit, pero laking gulat ni Camille nang itapon ng lalaki ang damit na binigay niya . Binigyang-alam niya ito sa barangay pero ayon daw sa mga tanod, may tsansang manakit ito.

ADVERTISEMENT
Ayon kay Nony Metran, Youth Development Officer ng Quezon City Social Services Development Department, nawalan ng pag-iisip ang 46 anyos na lalaki nang masunog ang kanilang bahay. Nakatira ito ngayon kasama ang kaniyang mga kapatid.

"Isa po sa mga naging reason kung bakit lumalabas, kasi nagkaroon ng trauma after ilang years na masunog ang kanilang bahay," ani Metran sa programang "Lingkod Kapamilya"

Pero agad naman daw sumama sa kanila ang lalaki nang dumating ang mga awtoridad para sumagip sa kaniya.

Nahahayaan ding gumala-gala ang lalaki dahil nananakit umano ito sa mga lumalapit sa kaniya.

Sa ngayon, ayon kay Metran, isinasailalim sa psychiatric at psychological evaluation ang lalaki.

Ayon kay Metran, plano na nilang i-refer ang lalaki sa National Center for Mental Health, sa kagustuhan na rin ng kaanak mabigyan ng lunas ang problema sa lalaki.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Lingkod Kapamilya
Quezon City
public service
National Center for Mental Health
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT