Lalaking nagpapagamot dahil nabaril, muling binaril sa ospital, patay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking nagpapagamot dahil nabaril, muling binaril sa ospital, patay

ABS-CBN News
Published Nov 05, 2020 05:31 PM PHT
|
Updated Nov 05, 2020 07:51 PM PHT

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin noong Miyerkoles ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng isang ospital sa Angono, Rizal, kung saan nagpapagamot siya dahil din sa pamamaril.

Bandang alas-11:40 ng umaga noong Miyerkoles nang pumasok ang gunman sa ospital para barilin ang biktima, na kinilalang si Vincent Adia. Tuluyan nitong ikinamatay ang pamamaril.

"Pag-alis ng pulis natin, nandoon lang pala ang gunman. Ilang minuto, biglang pumasok at binaril ang suspek uli," ani Police Maj. Richard Corpuz, hepe ng Angono police, patungkol kay Adia.

Bago nito, natagpuan si Adia, 26, na duguan matapos barilin sa may boundary ng Mahabang Parang at San Isidro sa Angono, Rizal bandang alas-3:30 ng madaling araw.

May nakapatong ding karton na may nakasulat na "Pusher ako" sa dibdib ni Adia nang matagpuan siya.

Sa imbestigasyon ng pulisya, posibleng dumaan sa exit ang salarin papunta ng emergency room at hindi sa main entrance kung saan may nakabantay na guwardiya.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pagpaslang kay Adia.

Ayon sa pulisya, walang record sa Angono ang napatay, na residente ng Antipolo.

Pero dati umanong nakulong si Adia nang 7 taon dahil sa kasong robbery at noong nakaraang taon lang siya nakalaya.
Pero dati umanong nakulong si Adia nang 7 taon dahil sa kasong robbery at noong nakaraang taon lang siya nakalaya.
ADVERTISEMENT
"Inaalam pa sa pamilya ang mga huling nakasama at saan siya umuuwi... vine-verify pa kung involved [siya] sa ibang kaso sa kanilang lugar," ani Corpuz.

Tumanggi namang magbigay ng komento ang pamilya ng biktima.

Hanggang ngayon, hindi pa raw nakukuha ng mga kamag-anak ni Adia ang bangkay nito para dalhin sa punerarya dahil na rin sa kawalan ng pera.

-- Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
krimen
Angono
Rizal
shooting
pamamaril
Antipolo
Rizal hospital shooting
hospital shooting
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT