Bagong oras ng bukas ng mga mall sa EDSA, epektibo na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bagong oras ng bukas ng mga mall sa EDSA, epektibo na

ABS-CBN News
Published Nov 05, 2018 02:21 PM PHT
|
Updated Nov 05, 2018 05:09 PM PHT

Sinimulan nang ipatupad ngayong Lunes ang bagong oras ng pagbubukas ng mga shopping mall na nadadaanan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Mula Nobyembre 5 hanggang Enero 14, alas-11 ng umaga na magbubukas ang mga mall. Nakadepende naman daw sa kaniya-kaniyang pamunuan ng mga mall ang oras ng kanilang pagsara.

Layon ng pagbabago sa mall hours na maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada sa Kamaynilaan tuwing panahon ng Pasko, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Jojo Garcia.

"Baka puwede kung may mall naman na diyan sa bayan niyo, pareho rin lang ng mall dito sa Quezon City o Makati, doon na lang kayo sa bayan niyo," ani Garcia.

Muling ipinatupad ang traffic management plan matapos mapatunayang epektibo ito nang ipatupad noong nakaraang taon, sabi ni Garcia.

Ayon sa MMDA, may 19 mall na madadaanan sa EDSA, na tumatakbo mula Caloocan City hanggang Pasay City.

Inilabas naman ng SM at Ayala Malls ngayong Lunes ang iskedyul ng kanilang operating hours para sa holidays.

Hindi rin papayagan ang Department of Public Works and Highways na magsagawa ng road construction.

Papayagan lamang umano ang mga utilities upgrade at pagkumpuni ng kalsada pero maaari lang daw itong gawin sa gabi para hindi makaapekto sa trapiko.-- Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
mall
mall hours
trapiko
Pasko
Metropolitan Manila Development Authority
MMDA
traffic
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT