2 patay sa banggaan ng van, truck sa Negros | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 patay sa banggaan ng van, truck sa Negros

Marty Go,
ABS-CBN News
Published Nov 05, 2018 11:30 AM PHT
|
Updated Nov 05, 2018 12:33 PM PHT

MANILA - Dalawa ang patay makaraang sumalpok ang isang van sa nagkaaberyang truck sa Bago City, Negros Occidental Lunes ng madaling-araw.

Huminto ang truck sa gilid ng kalsada sa Barangay Calumanggan nang magkaproblema ang gulong nito, ayon sa pulisya.

Maaaring mabilis anila ang takbo ng van at hindi nito napansin ang truck.

Dahil dito, bumangga ang van sa gilid ng truck at sa pahinante nito na nag-aayos sa gulong.

ADVERTISEMENT
Agad namatay ang pahinanteng si Rolando Limaco.

Sa lakas ng impact, dumiretso rin ang van sa kanal sa gilid ng highway.

Namatay ang isang 22-anyos na pasahero nito dahil sa sugat sa ulo, samantalang dinala sa ospital ang nasugatang driver at 9 pang sakay.

Sumuko naman ang van driver sa mga awtoridad.

Hinihinalang kolorum ang van na galing sa Sipalay City dahil hindi magkakakilala ang ilan sa mga pasahero nito, dagdag ng pulisya.