Signal, pondo, pagkain hamon para sa mga taga-Bato, Catanduanes: LGU | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Signal, pondo, pagkain hamon para sa mga taga-Bato, Catanduanes: LGU

ABS-CBN News
Published Nov 04, 2020 07:16 PM PHT

BATO, Catanduanes - Dumadaing ngayon ang lokal na pamahalaan ng bayan na ito sa kakulangan ng suplay ng pagkain at pondo bilang disaster response, na anila'y nasaid ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Sa Bato unang nag-landfall ang bagyong "Rolly" na tinaguriang pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon.

Ayon kay Bato Mayor Juan Rodulfo, "halos naubos" ng pandemya ang pondo ng lokal na pamahalaan. Pero pagkakasyahin nila ang nalalabing pondo para ibigay sa mga nanghihingi ng tulong.

"Halos naubos na sa COVID yung pondo ng LGU pero ganoon pa man, mayroon pa rin natitira na kaunti, pagkakasyahin natin sa mga humihingi ng tulong," ani Rodulfo.

ADVERTISEMENT
Kaya nananawagan siya ng tulong.
Kaya nananawagan siya ng tulong.
"Sana po tulungan niyo po ang aming bayan sa ngayon, wala na po sila makain lalo na doon sa mga di naabot ng sasakyan," aniya.

Walang namatay nang manalasa ang bagyo sa lugar noong Linggo. Pero nabuhay man sa unos, mas mahirap ang mga susunod na araw at linggong haharapin nila ngayong malawakang pinsala ang iniwan ng bagyo.

Pagsubok din, ayon kay Rodulfo, ang pagsagap ng signal para manawagan ng tulong.

Dahil dito, nanawagan ng tulong ang ilan nang madatnan ng camera ng News team, sa pagbabakasakaling ito ang maging tulay nila para maparating ang kanilang kalagayan sa mga kaanak.

Ang iba, humiling na kuhanan ng larawan at i-post sa social media.

Makikita ang mga bahay na napuruhan o bubong na natuklap o mga posteng pinadapa. Ayon sa lokal na pamahalaan, 20,000 bahay ang nawasak at 3,000 naman ang nasira.

Sanay ang mga taga-Bato sa dumaraang mga bagyo. Pero tingin nila na itong Rolly ang "pinakamabagsik" na unos na kanilang hinarap.

Sinabayan ng pagbayo ng hangin ang rumaragasang baha na bunga ng pag-apaw ng ilog.

Bumagsak din ang bubong sa harap ng munisipyo at bumagsak ang mga sasakyang nakaparada sa harap. Nabasa rin ang mga dokumento dahil sa ulan at nabasag ang mga salamin na bintana at pintuan.

Nawasak din ang St. John The Baptist Church, na pinakamatandang simbahan sa Catanduanes at maituturing na heritage site. Winasiwas din ng bagyo ang halos lahat ng gamit sa loob.

Aabot sa 4 barangay sa bayan (Bote, Pananaogan, Carorian, Cagraray) ang na-isolate ng mga landslide, ayon kay Rodulfo. Nabalitaan din ng LGU na wala namang namatay sa mga isolated na barangay.

Nagpapatuloy naman ang clearing operations sa mga na-isolate na lugar para mas mabilis na dumating ang ayuda sa lugar.

-- Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
Bato
Catanduanes
pandemya
COVID-19 pandemic
food
Bato Catanduanes impact Rolly
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT