Mga nag-Baclaran Day, dumami sa pagtaas ng allowed seating capacity sa mga simbahan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga nag-Baclaran Day, dumami sa pagtaas ng allowed seating capacity sa mga simbahan

ABS-CBN News
Published Nov 04, 2020 05:01 PM PHT

Kapansin-pansing mas napuno na ang Redemptorist Church sa Baclaran sa Paranaque City ngayong Miyerkoles, na kilala bilang Baclaran Day, dalawang linggo mula nang itaas sa 30 porsyento ang pinahihintulutang seating capacity ng mga sambahan.

More people have been accommodated inside the Baclaran church especially on Wednesday 2 weeks since Parañaque City allowed the increase in seating capacity for places of worship pic.twitter.com/5Iv9YTQrGp
— Anjo Bagaoisan (ᜀᜈ᜔ᜇᜒᜌᜓ ᜊᜄᜏᜒᜐᜈ᜔) (@anjo_bagaoisan) November 3, 2020

Dumagsa ang mga deboto para sa unang misa ngayong unang Miyerkoles ng Nobyembre. Kung dati ay 2 hanggang 3 tao lang ang pinapayagang makaupo kada bangko, ngayon ay 3 hanggang 4 na.

Hanggang 750 katao na ang capacity ng simbahan mula sa dating 500 lang, ayon kay Fr. Victorino Cueto. Sinisiguro ng mga guwardiya at volunteer na nasusunod ito.
Hanggang 750 katao na ang capacity ng simbahan mula sa dating 500 lang, ayon kay Fr. Victorino Cueto. Sinisiguro ng mga guwardiya at volunteer na nasusunod ito.
More people have been accommodated inside the Baclaran church especially on Wednesday 2 weeks since Parañaque City allowed the increase in seating capacity for places of worship pic.twitter.com/5Iv9YTQrGp
— Anjo Bagaoisan (ᜀᜈ᜔ᜇᜒᜌᜓ ᜊᜄᜏᜒᜐᜈ᜔) (@anjo_bagaoisan) November 3, 2020
More people have been accommodated inside the Baclaran church especially on Wednesday 2 weeks since Parañaque City allowed the increase in seating capacity for places of worship pic.twitter.com/5Iv9YTQrGp
— Anjo Bagaoisan (ᜀᜈ᜔ᜇᜒᜌᜓ ᜊᜄᜏᜒᜐᜈ᜔) (@anjo_bagaoisan) November 3, 2020
Puwede namang tumayo sa labas ang mga hindi nakakapasok sa loob ng simbahan.

ADVERTISEMENT
Tinatayuan ng mga tao ang mga may kulay na markers para masunod ang physical distancing. Sa labas ng gate naman pinili ng ibang mga biker at nagmomotorsiklo na makinig ng misa.

Nagkakapila rin kasi ng inspeksiyon at disinfection sa gate, kaya matagal minsan makapasok.

An MMDA enforcer reminds motorists not to park at the Roxas Boulevard service road in front of the Baclaran Church or else they will be ticketed. pic.twitter.com/NJwBO9TF1e
— Anjo Bagaoisan (ᜀᜈ᜔ᜇᜒᜌᜓ ᜊᜄᜏᜒᜐᜈ᜔) (@anjo_bagaoisan) November 3, 2020
An MMDA enforcer reminds motorists not to park at the Roxas Boulevard service road in front of the Baclaran Church or else they will be ticketed. pic.twitter.com/NJwBO9TF1e
— Anjo Bagaoisan (ᜀᜈ᜔ᜇᜒᜌᜓ ᜊᜄᜏᜒᜐᜈ᜔) (@anjo_bagaoisan) November 3, 2020
Samantala, pinaalalahanan naman ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga motorista na bawal pumarada sa tapat ng simbahan.

Naka-megaphone pa ang isang enforcer para manita, hindi lang ng mga pumaparada kundi pati yung mga ambulant vendor na lumalabas sa bangketa.

Nitong Miyerkoles, dinaanan ng mga enforcer ang lugar at tiniketan ang mga naabutan nilang sasakyan.

-- Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Baclaran church
places of worship
seating capacity
baclaran day
Redemptorist Church
Parañaque
Baclaran
health protocols
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT