Bata, pinatay sa saksak ng tiyuhin sa Bacolod | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bata, pinatay sa saksak ng tiyuhin sa Bacolod

ABS-CBN News
Published Nov 04, 2018 02:24 PM PHT
|
Updated Aug 06, 2019 12:57 PM PHT

Patay ang isang 6 taong gulang na bata matapos umanong pagsasaksakin ng kaniyang tiyuhin sa Bacolod City madaling araw ng Sabado.

Ayon sa imbestigasyon ng Women and Children's Protection Desk (WCPD) ng Bacolod City police, 22 beses sinaksak ng suspek ang kaniyang pamangkin dahil pinaghinalaan daw nitong aswang ang bata.

Tinitingnan ng pulisya ang posibilidad na nasa ilalim ng impluwensiya ng droga ang suspek, ani Inspector Arlyn Torrendon, hepe ng WCPD sa Bacolod City.

Kuwento ng babeng kapatid ng suspek, na tiyahin din ng biktima, nasa kabilang bahay lang sila ng pitong taong gulang na kapatid ng biktima nang makarinig sila ng pagsigaw ng bata.

Nang puntahan ang bahay ng suspek ay bumulaga na lang sa kaniya ang biktima na duguan at wala nang buhay.

Anim na buwan nang inaalagaan ng suspek ang biktima at ang kapatid nito dahil nagtatrabaho sa Cebu ang kanilang ama, sabi ng tiyahin ng biktima.

Ayon naman sa ama ng biktima, matagal nang nagbabala ang kaniyang babaeng kapatid na huwag iwang mag-isa ang mga anak sa suspek dahil gumagamit nga raw ito ng ilegal na droga.

Hindi inakala ng ama na may mangyayari umano sa anak.

Pero iginiit ng suspek na aswang talaga ang bata dahil madalas daw siyang kinakagat nito.

Desidido ang ama ng biktima na sampahan ng kaso ang kaniyang kapatid.

--Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT