Basurang nahakot sa Manila public cemeteries, halos doble kompara noong Undas 2019 | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Basurang nahakot sa Manila public cemeteries, halos doble kompara noong Undas 2019

Basurang nahakot sa Manila public cemeteries, halos doble kompara noong Undas 2019

Raya Capulong,

ABS-CBN News

Clipboard

Basura sa Manila North Cemetery nitong Undas 2022.
Basura sa Manila North Cemetery nitong Undas 2022.

Halos dumoble ang dami ng basura na nahakot ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga pampublikong sementeryo sa lungsod matapos gunitahin ang Undas.

Ayon sa Manila Public Information Office, mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 2, umabot sa 36 truckloads o 108 metric tons ng basura ang nakolekta sa Manila North Cemetery.

Mas madami ito kaysa sa 18 na truckloads o katumbas ng 71 metric tons ng basura na nakolekta noong Undas ng 2019 o bago ang COVID-19 pandemic.

Sa Manila South Cemetery naman, umabot sa 42 truckloads ang nakolekta na katumbas ng 88 metric tons ng basura.

ADVERTISEMENT

Mas mataas ito kompara sa 16 na truckloads o katumbas ng 65 metric tons ng basura na nakolekta noong 2019 sa kaparehong panahon.

Sa kabuuan, umaabot sa 196 metric tons ng basura na may katumbas na 78 na truckloads ang nahakot ng Department of Public Service sa 2 malalaking pampublikong sementeryo ngayong taon sa panahon ng Undas.

Ayon sa Manila city government, isa sa nakita nilang dahilan kung bakit mas mataas ang dami ng basura ay bunsod ng nagdaang bagyong Paneg, kung saan may mga natumbang puno.

Samantala, bagaman tapos na ang Undas, may ilan pa ring bumibista sa Manila North Cemetery.

Naka-stand by pa rin ang mga pulis sa loob at labas ng sementeryo pati na ang first aid station.

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.