Naaagnas na bangkay natagpuan sa subdivision sa Cabuyao | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Naaagnas na bangkay natagpuan sa subdivision sa Cabuyao

ABS-CBN News
Published Nov 03, 2018 06:34 PM PHT
|
Updated Nov 03, 2018 09:32 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
MAYNILA—Naaagnas na ang isang bangkay nang matagpuan ng mga awtoridad sa likod na bahagi ng Grand Acacia Grove Subdivision sa lungsod ng Cabuyao, Laguna, Huwebes ng umaga.

Ayon kay SPO2 Ronald Pagayon, imbestigador ng Cabuyao police, unang nagreklamo sa barangay ang mga residente dahil sa masangsang na amoy sa lugar.

Nang matunton ang pinanggagalingan ng amoy, nakita ang naaagnas nang bangkay na posible umanong may 2 hanggang 3 buwan nang naroon.

Tinatayang nasa 5 talampakan ang tangkad ng bangkay. Hindi pa rin agad natukoy ng mga awtoridad ang kasarian nito dahil sa matinding pagkaagnas.

Ayon sa Cabuyao police, maaaring isang palaboy ang bangkay at doon na lamang inabutan ng pagkamatay, lalo't wala namang senyales na nanlaban ito sa isa pang tao.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente habang isasailalim naman sa autopsy ang bangkay para matukoy ang kasarian, edad, gayundin ang dahilan at petsa ng pagkamatay nito.

— Ulat mula sa Bayan Mo, i-Patrol Mo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT