3 sugatan nang tumaob ang truck ng basura sa Cebu | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 sugatan nang tumaob ang truck ng basura sa Cebu

Leleth Rumaguera,
ABS-CBN News
Published Nov 03, 2018 01:49 PM PHT

CEBU CITY - Sugatan ang 3 lalaki nang tumaob ang isang truck na naghahakot ng basura sa mga sementeryo dito sa lungsod, Sabado.

Tumagilid ang sasakyan madaling araw ng Sabado sa kahabaan ng B. Rodriguez Street, ayon kay John Paul Gelasque, officer-in-charge ng Department of Public Services ng lokal na pamahalaan ng Cebu.

Patuloy na ginagamot ngayon ang driver at dalawang loaders na nasugatan sa aksidente, ani Gelasque.

Sasagutin ng Cebu City government ang pagpapagamot sa tatlo, aniya.

ADVERTISEMENT
Magdamag na naghakot ng kalat sa mga sementeryo ang mga basurero sa lungsod matapos ang Undas, ani Gelasque.

Aabot na sa 40 tonelada ng basura ang nakuha sa mga himlayan mula noong Nobyembre 1, aniya.