2 umanong tulak ng droga patay sa Bulacan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 umanong tulak ng droga patay sa Bulacan

2 umanong tulak ng droga patay sa Bulacan

Isay Reyes,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 05, 2019 01:57 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA – Dalawang lalaking sangkot umano sa pagbebenta ng ilegal na droga ang napatay sa engkuwentro sa San Jose del Monte, Bulacan, Biyernes ng gabi.

Tinungo ng mga pulis ang tirahan ng kanilang target na si Arnold Alcaraz matapos magpositibo ang buy-bust operation at humingi ng back-up ang kanilang poseur buyer dahil armado umano ang suspek.

Hindi pa man lang nakakalapit ang awtoridad ay nakarinig na umano sila ng mga putok ng baril. Gumanti ng putok ang mga pulis habang papalapit sa lugar at tinamaan ng bala si Alcaraz. Nabaril at napatay rin ang kasama nitong si alyas “Michael.”

Base sa imbestigasyon ng pulisya, notorious na pusher sa San Jose del Monte si Alcaraz at palipat-lipat ng bahay. Napakarami na raw nilang natanggap na reklamo ukol sa pagbebenta nito ng droga.

ADVERTISEMENT

Ang kaniyang bahay sa Barangay Lawang Pare ang nagsisilbi umanong drug den.

Ayon sa mga kamag-anak ni Alcaraz, hindi nila alam ang mga transaksyon nito sa droga pero ang 11-anyos na anak nito ay tinangka umano niyang gahasain.

Dumating din sa lugar ang asawa ni alyas Michael at sinabing nakipag-inuman lang ang kaniyang asawa sa suspek.

Nasa pitong sachet ng hinihinalang shabu, isang kalibre .38 na baril at isang improvised shotgun ang narekober sa loob ng bahay ng suspek.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.