Lalaking nagpa-tiles ng bangketa, inireklamo sa Palawan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking nagpa-tiles ng bangketa, inireklamo sa Palawan

Chinee Palatino,
ABS-CBN News
Published Nov 03, 2017 08:21 AM PHT
|
Updated Nov 03, 2017 09:26 AM PHT

PUERTO PRINCESA – Inirereklamo ng ilang residente ang pagpapa-tiles ng isang pribadong indibidwal sa ilang bangketa sa Barangay San Pedro.

Ayon sa mga residente ng barangay, malaking perwisyo ang dulot ng bangketa na nakatiles dahil sa dami ng nadudulas dito tuwing bubuhos ang ulan.

Giit ng iba pang residente, public property ang bangketa kaya hindi ito dapat pinapakailaman ng mga pribadong organisasyon, pamilya o indibidwal.

Depensa ni Boy Diaz, ang gumastos para ipa-tiles ang sidewalk sa lugar, nagmalasakit lamang siya sa mga taong naglalakad sa dating maputik na bangketa.

Dagdag ni Diaz, nagandahan siya sa mga sidewalk na nakita niya sa Chinatown sa Maynila kaya ipinagaya niya ito.

Ayon kay Diaz, handa siyang sumunod kung ipaguutos ng lokal na pamahalaan na ipatibag ang ipinagawa niyang bangketa.