Leody de Guzman, nakahandang iatras ang kandidatura sa pagkapangulo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Leody de Guzman, nakahandang iatras ang kandidatura sa pagkapangulo

Jeffrey Hernaez,
ABS-CBN News
Published Nov 02, 2021 11:09 PM PHT

MAYNILA - Nakahanda ang presidential aspirant na si Leody de Guzman na iatras ang kandidatura sa pagkapangulo kung pakikinggan umano siya ng katunggaling si Vice President Leni Robredo.

Sa isang online forum na inorganisa ng Kabataan Para Kay Ka Leody, sinabi ng labor leader na dapat munang tanggapin ni Robredo ang kanyang mga plataporma na nakasentro sa kapakanan ng mga manggagawa.

"Mangyayari iyon kapag tinanggap niya ang plataporma ko. Kung hindi niya tatanggapin, ayaw niya magsalita tungkol sa kontraktwalisasyon, ayaw niya magsalita tungkol sa rice tarrification law, ayaw niya magsalita tungkol doon sa VAT, value-added tax, ayaw niya magsalita tungkol doon sa sistema ng eleksyon natin na para sa mga bilyonaryo lang, ayaw niya magsalita tungkol doon sa sektor ng serbisyo na napunta sa mga pribado ay gusto natin natin bawiin, hawakan ng gobyerno," aniya.

Ngunit itutuloy niya umano ang kandidatura sa pagkapangulo kung hindi ito pakikinggan at magiging bahagi ng plataporma ni Robredo.

"Kung wala siyang statement sa ganyan, baka tulad ng dati hindi na lang ako boboto sa presidente, pero itutuloy ko ang laban ko kung hindi lang din niya tatanggapin,” giit ng labor leader.

Ayon kay De Guzman, sa lahat ng tumatakbo sa pagkapangulo, sila lang ni Robredo ang may pagkakapareho.

"Pero maganda sana eh, ako todo todo na anti-Duterte, vocal ako anti-Duterte, siya hindi nagpagamit, hindi siya nagpagamit kay Duterte, pero yung mga kalaban namin, lahat iyon ay 'Dutertards', nagbago lang, parang opposition lang, nitong malapit na ang eleksyon. Kaming dalawa ni Leni ang may commonality na pagiging anti-Duterte, anti-Marcos,” aniya.

Giit niya, mas mahalaga para sa kanya ang kapakanan ng milyun-milyong manggagawa na hindi umano nagbabago ang sitwasyon ilang beses man nang nagpalit ng administrasyon.

"Aatras ako, hindi naman ako pulitiko eh. Ako naman ang mas concern ko yung 109 million, yung kabuhayan nila na sa mahabang panahon ay napabayaan, hindi pinapansin, ng nagpalit palit na administrasyon," ayon kay De Guzman.

"Yung kahilingan ng mga magsasaka, yung kahilingan ng mga driver, yung kahilingan ng mga mangingisda, yung kahilingan ng mga urban poor na disenteng tahanan, yung kahilingan ng mga mamamayan na yung sektor ng serbisyo ay gawing expression ng serbisyo ng gobyerno at ibigay sa pribado, bawiin niya, yung sahod ng mga manggagawa sa probinsiya ay itaas kapantay sa Metro Manila, yung ganung bagay, tingin ko ay bakit naman ako magpapa-stress pa kung may Leni Robredo na magdadala nito," dagdag pa niya.

Samantala, naniwala si De Guzman na dapat hindi na tumakbo sa pagkapangulo ang katunggaling si dating Senador Bongbong Marcos.

Ito ay matapos maghain ang ilang civic leaders ng petisyon sa Commission on Elections (Comelec) na kanselahin ang Certificate of Candicacy (COC) nito.

"Sa tingin ko dapat nga hindi na siya dapat tumakbo kasi may kaso siyang kinakaharap o kaya ay yung kasong kinaharap niya, nagkaroon ng decision at doon sa decision ay lalabas na dapat hindi siya puwede tumakbo sa naging hatol sa kanya," giit niya.

Dapat rin umanong baguhin na ang sistema ng eleksyon sa bansa.

"Isang proposal ko diyan ay baguhin talaga yung sistema ng eleksyon, dapat yung mga akusadong magnanakaw, akusadong mamamatay tao, dapat hindi na isinasali sa eleksyon iyan, hindi na puwedeng kumandidato, yung mga pamilya na gahaman sa puwesto, yung mga political dynasty, dapat hindi na pinapayagan na kumandidato iyan," ani De Guzman.