Libingan ni Gen. Pio del Pilar sa Maynila, pinagsigaan, tinambakan ng basura

ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2018 06:08 PM

MANILA - Pinagsigaan at ginawang tambakan ng basura ang isang bahagi ng libingan ng bayaning si Gen. Pio del Pilar sa Manila North Cemetery, Biyernes.

Bukod sa museleyo ng dating heneral ng Katipunan, ilang puntod at nitso rin ang nagsilbing tambakan ng basura ng mga bumisita sa 50-ektaryang sementeryo.

Aabot sa 8 trak ng basura ang nalikom mula sa sementeryo, Biyernes ng umaga, ayon sa tala ng tagapamahala ng sementeryo.

Hindi bababa sa 1 milyong tao ang pumunta sa Manila North Cemetery noong Huwebes, upang gunitain ang Todos Los Santos, sabi ng mga awtoridad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.