Sangkaterbang basura, iniwan ng mga nag-Undas sa sementeryo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sangkaterbang basura, iniwan ng mga nag-Undas sa sementeryo

ABS-CBN News
Published Nov 02, 2017 04:28 PM PHT

Ikinagalit ng ilang organisasyon ang sangkaterbang basurang nagkalat matapos mag-uwian ang mga dumalaw sa mga sementeryo para sa Undas.

Isa na rito ang Tzu Chi Foundation na dismayado sa sitwasyon ng basura sa Manila North Cemetery.

Tambak kasi ang mga plastic, styrofoam, paper plate, at pinagkainan sa sementeryo.

Anim na taon nang hinihikayat ng Tzu Chi Foundation ang pag-recycle at pag-segregate, o maayos na pagpapangkat sa mga basura sa lugar.

Anila, hindi na natuto ang mga bumibisita sa sementeryo kahit paulit-ulit na paalalahanan.

Pero ayon kay Janet Rivera, isa sa mga tagapaglinis sa Manila North Cemetery, nakasanayan na niya ang tone-toneladang basurang nakukuha sa sementeryo taon-toan.

Sa Manila South Cemetery naman, dalawang truck ang nag-ikot nitong Huwebes ng umaga para maghakot ng mga kalat.

Manila South Cemetery, nililinis na; mga tindahan, nagsimula na ring magligpit @ABSCBNNews pic.twitter.com/DCnaypUvnP
— Jervis Manahan (@jervismanahan) November 1, 2017

Nagpakalat din sila ng mga tauhang magwawalis sa lugar.

Pero mas kaunti raw ang basura ngayon kumpara noong isang taon dahil mas kaunti ang mga taong bumisita, ayon kay Maribel Bueza, administrador ng Manila South Cemetery.

Ikinagalit din ng environmental group na EcoWaste Coalition ang pagtatapon ng basura sa mga libingan.

Pambabastos umano ang pagkakalat sa alaala ng mga yumaong nakahimlay sa sementeryo.

Batay sa Ecological Solid Waste Management Act, puwedeng patawan ang mga magkakalat ng multang P300 hanggang P1,000 o kaya'y puwersahing mag-community service sa loob ng 15 araw.

-- Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Undas
Undas 2017
balita
Ecological Solid Waste Management Act
EcoWaste Coalition
Manila South Cemetery
Manila North Cemetery
Tzu Chi Foundation
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT