Paghuli ng galunggong, bawal uli sa ilang bayan sa Palawan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paghuli ng galunggong, bawal uli sa ilang bayan sa Palawan

ABS-CBN News
Published Nov 02, 2017 04:47 PM PHT

Ipinatigil simula ngayong Nobyembre ang pangingisda ng galunggong sa siyam na bayan sa Palawan.

Batay kasi sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), patuloy ang pagbagsak ng produksiyon ng galunggong sa Palawan.

Dulot umano ito ng overfishing at unsustainable harvest o hindi tamang paraan ng panghuli.

Tatagal ang pagbabawal hanggang Enero.
Tatagal ang pagbabawal hanggang Enero.
ADVERTISEMENT
Kabilang sa mga apektadong bayan:
Kabilang sa mga apektadong bayan:
- Agutaya
- Araceli
- Busuanga
- Coron
- Culion
- Cuyo
- Dumaran
- Linapacan
- Magsaysay
- Agutaya
- Araceli
- Busuanga
- Coron
- Culion
- Cuyo
- Dumaran
- Linapacan
- Magsaysay
Ito na ang pangatlong taon na magpapatupad ng closed season sa Palawan.

Batay sa pag-aaral ng BFAR at kuwento ng ilang mangingisda, epektibo umano ang mga ipinatupad na pagbabawal noong unang dalawang taon.

Sa datos ng BFAR, 92% ng galunggong na ibinababa sa Navotas Fish Port ay galing sa Palawan.

Sa ngayon, mayroong inter-agency task force para patuloy na pag-aralan ang epekto ng pagkakaroon ng closed season sa galunggong.

-- Ulat ni Cherry Camacho, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
rehiyon
regional
regional news
fishing
Palawan
closed season
galunggong
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT